Wednesday, January 11, 2012

Environmental Children’s / Youth Club-ECYClub

Environmental Children’s / Youth Club

Ako ay isang mag-aaral sa isang pribadong paaralan ng Polytechnic University of the Philippines. Katulad ninyo dati rin po akong naa-adik sa Friendster, Twitter fanatic, adik na adik sa Facebook at tryinh hard sa Blog. Dati rin po akong sumusubok sa inuman kasama ang kaibigan at mga kamag-aral. Gawain ko rin po dati ang umuwi ng gabi dahil sa party at araw-araw na napapagalitan dahil sa katigasan ng ulo. Masama rin po ang ugali ko lalo na kapag bad-trip ako sa isang tao o sa isang taong mas masama ang ugali sa’kin.

Isa po akong mag-aaral ngunit aaminin ko pong hindi po ako nag-aaral ng mabuti. Tamang aral lang pumapasok araw-araw, kumokolekta ng baon, nagpapalipas ng oras sa Mall at Computer shop. Hindi rin ako mahilig magtaas ng kamay sa classroom dahil nahihiya ako kahit alam kong tama. Nangongopya ako ng sagot sa classmate ko at tuwing may exam may dala-dala akong kodigo, pero salamat sa diyos at ako po ay ga-graduate na ngayong paparating na March at kasalukuyan po akong nag-o-OJT sa Shipping Company. Na hanggang ngayon ay patuloy kung ipinag-darasal na nawa sana’y Ma-absorb ako at gawing regular.

My point is nangangapa din po ako sa mundo. Lately ko lang ito napag-tuunan ng pansin na habang pinagkaka-abalahan natin gawin ang mga walang kwentang bagay na iyon, ang mag-update ng status sa facebook, mag-iisip ng i-ipost sa twitter at maghanap ng kung ano ang pwedeng i-profile picture.

Minsan din po ba sumagi sa isip natin kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi dapat mangyari. Kalamidad na ating nararanasan, ang unti-unting pag-guho ng lupa sa kabundukan, ang matinding pag-buhos ng baha sa syudad na lugar, ang pagkakaroon ng Global Warming, ang pagkakasira ng mga Natural Resources, ang pagkamatay ng libo-libong isda sa Batangas at ang pagkakaroon ng Ozone Layer Hole Depletion na hanggang ngaun patuloy pa ring pinapangambahan dahil sa magiging epekto nito. Isa lamang ito sa mga epekto na ganti sa atin ng kalikasan, na siyang gawa nating mga tao.

Hindi ba’t masakit sa mata ang mga nakakalat na basura sa paligid? Immune na rin tayo sa mababahong tubig-kanal. At ilong  na nangingitim dahil sa mga makakapal na usok gawa ng polusyon sa sasakyan at sa mga factory. Kung patuloy po natin itong gagawin at ipagsasa-walang-bahala. Kung tayong lahat ay nag-hahangad ng magandang kinabukasan para sa sarili, para sa magiging pamilya natin o tayo man po at nag-hahangad na mapanatili ang kagandahan ng mundo/kalikasan para sa susunod na henerasyon. Lahat po ng mga sinasabing haka-haka na maaaring magunaw ang mundo sa 2012, ay maaaring magkaka-totoo. Lahat po tayo ay naniniwala sa diyos ngunit kung tayo din po ay naniniwala na “nasa Diyos ang awa, nasa Tao ang gawa”. Ang diyos lamang ang siyang gumagabay sa ating kamus-musan. The rest tayo na po ang may hawak ng ating sarili ipinahiram ito ng ating panginoon upang masilayan natin ang kagandahan ng kanyang ginawa at upang ito ay ating pangalagaan. Ngunit ano ang ginawa natin, unti-unti nating iwinawaksi ang panginoon papalayo sa atin. Ang diyos at ang kalikasan ay parang tao din marunong mapagod at bibigay ito kapag na nito kaya. Sinasabi ko po ito dahil five years from now gusto ko pong may sarili na kong trabaho at ten years from now gusto ko pong may sarili na kong pamilya at gusto ko pong masilayan din ng magiging anak at apo ko ang kagandahan ng mundo na siyang gawa ng may maykapal. Hindi ko po ito sinasabi para sa pansarili ko lamang ngunit ito po ay para sa ating lahat. Sinasabi ko po ito para sa magiging kinabukasan nating lahat at sa mga susunod pang henerasyon.

Simulan po natin ang pangangalaga ng kapaligiran sa basura, wala naman pong masama kung iyang dala-dala mong basura ay hangga’t maaari ay ibulsa mo muna o hindi kaya ay maghanap ka ng basurahan na kung saan pwede mong itapon iyang basura mo. Kung maaari lang din po sana ay tigilan na po natin ang pagtatapon ng supot na basura sa mga estero, ilog, at kanal o kung saan pang-sulok-sulok. Hindi pa po huli ang lahat upang baguhin natin an gating kinasanayan na siyang nagdudulot ng kasiraan sa ating kapaligiran.


Ako po at ang magiging miyembro nitong organisasyon ay handa pong tumulong o maglinis sa mga maduduming lugar na walang hihinging kapalit. Ako po ay hinihikayat ang bawat kabataan na makilahok at tumulong sa Environmental Children’s/Youth Club (ECYC) na bukal sa kanilang kalooban.


Please like us on Facebook: Environmental Children’s/Youth Club
Follow us on Twitter: ECYClub  Ito po ay ginagawa ko hindi upang magkaroon nmg friends or followers. Ito ay upang ipaalam sa inyo ang mga dapat gawin at para sa karagdagang impormasyon.

Maraming salamat po! Magkaroon po sana ng kapayapaan at pagkakaisa sa Mundo! Please save our Earth! Make a difference today!






By: founder

No comments:

Post a Comment